Sabi nila, ito daw ang pinakamalaking buwan na makikita natin sa tanan ng ating buhay. So this is my crude attempt to capture the Supermoon para kahit naman papaano ay maka-contribute ako sa pag-romanticize ng internet sa pinakamalapit na kapitbahay natin in the whole observable universe. Hindi naman talaga lumalaki o lumiliit ang buwan. May quirk lang sa disenyo ng universe na minsan sa kanyang pag-orbit ay napapalapit siya sa atin. Or maybe this is the moon's crude attempt to plant us a kiss. Pero para sa akin, this is her way of showing us her true power- the power to make us give up a moment ng buhay natin, then look up to her, and just be enthralled by her magnificence. Tandang-tanda ko pa ang unang gabi na dinalaw ako ng mga pangitain. Malaki, maliwanag, at bilog na bilog din ang buwan noon. Tila ba nagbibigay liwanag sa aking isipan. Para mas maige kong makita ang hinaharap, mas malinaw masilip ang mga bukas na dadating pa. Ilang taon na rin ang lumipas. Wala na ang mga pangitain. Kahit panaginip ay hirap ko ng matandaan sa paggising. Minsan may mga imahe na hindi ko matanto kung ano o para saan. Baka naman ngayong napakalaki at napakaliwanag muli ng buwan, mapagtatagni-tagni ko ng muli ang mga imaheng 'yon at muling magbubukas ang isip sa panahong padating pa lamang. O baka naman wala lang and those broken images I see are nothing but faded memories na dapat ng ibaon at kalimutan.
Mga Pangitain ni Jethro
Huwebes
Ang buwan na pilit humahalik sa lupa...

Miyerkules
Bagong Pakiramdam
Ilang taon na katahimikan.
Kapayapaan, sabi nila.
Pero may iba sa simoy ng hangin.
May bago.
Sa amoy ng paligid.
Hindi malinaw ang padating.
Mas malakas.
Kabog ng dibdib.
Alinlangan ba ito o takot?
Bagong pakiramdam?
O 'di malinaw na pangitain.
Pero ang mas nakakatakot.
Ay ang hindi mawari.
Ang bagong pakiramdam.
Ang pagbabagong padating.
Kapayapaan, sabi nila.
Pero may iba sa simoy ng hangin.
May bago.
Sa amoy ng paligid.
Hindi malinaw ang padating.
Mas malakas.
Kabog ng dibdib.
Alinlangan ba ito o takot?
Bagong pakiramdam?
O 'di malinaw na pangitain.
Pero ang mas nakakatakot.
Ay ang hindi mawari.
Ang bagong pakiramdam.
Ang pagbabagong padating.
Password Recovery
Gaano ba ka-helpful ang isang pangitain?
Minsan nagkapangitain ako na may isang lalaking mamamatay.
Hindi naman nangyari.
Kasi nailigtas siya (see Bright Lives Foundation).
Kaya siguro kami Gabay.
Guide lang talaga.
Parang traffic light sa P'nas, isa lamang suggestion.
Kaya minsan naitatanong ko, bakit binigyan pa ako ng kakayahang silipin ang bukas?
Kung kahit na sino naman ay kayang baguhin ang kanyang sariling kapalaran.
Hindi ba counterproductive 'yon?
Isang pakiramdam.
Isang malakas na emosyon.
Isang malalim na uri ng kalungkutan.
Gaano na ba katagal, dalawa, dalawa't kalahati o higit tatlong taon na?
Malaki na ang pinagbago ko mula noong huling digmaan.
Hindi lang ako nagkaroon ng kakayahang makontrol ang aking mga pangitain.
Nakadiskubre rin ako ng dagdag na kapangyarihan.
Nope, hindi ko pa ring kayang makita ang mga numerong lalabas sa grand lotto.
Dahil noong huling subok ko, balik-taya lang ang nahita ko.
Pero masasabi ko pa ring malaki na ang pinagkaiba ko sa Jethro na nagsimula ng blog na ito.
Though meron pa ring pangamba.
At takot.
At alinlangan.
At marami pa ring katanungan.
Isa na rito ay kung anong landas ang dapat kong puntahan.
Is it the road less traveled?
Or the long and winding road?
Salamat na lang at na-recover ko ang password ng blog kong 'to.
Siguro ilang taon mula ngayon, babasahin ko muli ang entry na ito.
At sasabihing kong ang araw na ito ang naging turning point ng buhay ko.
Turning point ng ano? HINDI ko alam.
Dahil kahit may pangitain.
Kahit ako'y isang full pledged Gabay.
'Di ko pa rin sigurado kung saan ako maghahapunan mamaya.

6/55
Totoo lahat ng nakikita ko.Totoo ang lahat ng laman ng panaginip ko.
Hindi ko na matatanggi yun.
Hindi ko na matatanggi'ng totoo si Diane at Matthew. Ang mga bampira at taong lobo.
Kulang na lang makasalubong ko sina Edward at Jacob sa labasan at ayain nila ako ng inuman.
Gusto ni Ate Diane (Ate Lia, Jethro! Ate Lia!) na ipakilala ako sa isa pang taong lobo.
Pero gusto ko ba talaga yun? Full-on weirdo mode?
Gusto ko ba talagang maging normal sa mundo ko ang mga taong pula o dilaw ang mata?
At pa'no tatay ko? Pa'no ko itatago 'to sa kanya?
Kasi 'pag nalaman niya 'to, masisiraan yun ng bait.
Ba't ba naman kasi itong mga bagay pa na 'to ang nakikita ko?
Ba't di na lang 'yung kumbinasyon sa lotto?

Mas madali atang i-solve ang kumplikasyong dala ng kalahating bilyon.
Magagamit ko pa panalo ko para takasan na lang ang mundong 'to.
Magkano kaya pamasahe papuntang Mars?
Sabado
TAGPI-TAGPI
Sa pagmamadali ni Matthew na
mahabol ang isang bagay na malapit
sa kanyang puso, mahuhulog siya sa manhole.
Nag-iisa si Matthew sa kanyang pag-iisip, pinapaganda
ang paghuhulma sa isang upuan upuan...
May isang babaeng mapangahas na gustong angkinin
ang pagkatao niya, si Clarisa.
Sa araw na suot na ang pangkasal, isang malaking
sikreto ni Diane ang mabubunyag...
Isang halimaw ang papatay sa isang nilalang...
Huwebes
TAGUAN
Isang bata ang palaging dumadalaw ngayon sa panaginip ko. Di ko alam kung alaala ba siya ng nakaraan o pangitain ng kinabukasang hindi pa nagdadaan.
Ang alam ko lang, kwento ito ng isang bata na mahilig maglaro ng taguan
sa isang komunidad na nagtatago mula sa ating lahat.
Kakaiba ang lugar nila, nakatago sa isang bundok, malayo sa syudad.
May sikreto ang mga taong nakatira dito.
Sikretong walang kaalam alam ang batang nasa panaginip ko.
Nakikita ko siya, hinahanap ang kalaro niya.
Tinitingnan, iniimbestigahan ang bawat sulok ng kanyang mundong kinagisnan.
Pinipilit na makita ang taong tinuturing niyang maestro ng taguan.
Pero hindi na niya ito mahahanap kailanman dahil
pumunta na ito sa lugar kung saan ang mga maestro lang ang nakakapunta.

TASA NG KAPE
Kung totoo man ang kakayahan kong 'to, kung may pag-asa man akong makontrol 'to, gagamitin ko siya para balikan ang isang alaala ng nanay ko. Namatay siya noong nine years old ako. Kakagawa lang niya ng kape para sa sarili niya nang sumuko ang puso niya sa kanya. Namatay siya ng walang kasama, mag-isa, at kasalanan ko.
Nagkaroon ako ng panaginip gabi bago ng araw na yun. Isang tasa ng kape ang nahulog at nabasag sa sahig. Akala ko walang ibig sabihin yun. Natutunan ko na rin kasi no'ng hindi pansinin ang mga napapanaginipan ko dahil yun ang gusto ng tatay ko. Pero kung hindi ko ginawa yun, kung hindi ako nakinig sa tatay ko, baka nakita ko na may kinalaman ang tasa ng kape sa pagkamatay ni Nanay. Baka hindi ako umalis noon ng bahay. Baka naligtas ko siya. Baka hindi niya kinailangang mamatay ng mag-isa.
Ilang araw, linggo, buwan, taon kong sinisi ang sarili ko. At ngayong alam ko na'ng noon pa alam ni tatay na may ibig sabihin ang lahat ng panaginip ko, pati siya sinisisi ko.

KAKAMPI
Ito ang alam ko sa tatay ko. Siya si Enrico Kabigting. Mag-isa sa buhay simula eighteen years old kasi namatay na daw ang lahat ng pamilya niya noon. Bago maging mekaniko, ilang taon siyang nagmaneho at nagpasada ng jeepney. Doon niya nakilala si Nanay na naging suking pasahero niya. Ang mga palitan nila ng ngiti sa pag-abot ng bayad at sukli ay nauwi sa ligawan pagkatapos sa kasalan. Isang taon pagtapos nilang maging mag-asawa, ipinanganak ako. Yun lang ang alam ko sa tatay ko at ngayon biglang hindi na ako sigurado kung lahat ng yun ay totoo. Sa isang bagay lang ako sigurado - ang reaksyon niya sa mga "panaginip" ko.
Una akong nagkaroon ng panaginip noong six years old ako. Nakita ko ang matanda naming kapitbahay na umakyat ng bubong para ayusin ang antenna ng TV nila na natabig ng dumaang bagyo. Nadulas siya at nahulog. Nabagok ang ulo niya kaya namatay. Naalala ko pa ang takot ko noon pagkagising ko. Tumakbo ako sa labas ng bahay namin para lang tingnan ang kapitbahay namin, patunayan sa sarili ko na hindi totoo ang panaginip ko. Pero paglabas ko, nakita ko siya sa bubungan ng bahay nila, ginagawa ang bagay na napanaginipan ko. Noong nahulog at namatay siya sa harapan ko, sumigaw lang ako ng sumigaw. Ilang oras akong di nakapagsalita.
Noong sinabi ko kay Tatay ang tungkol sa panaginip ko, namutla siya. Sinabi niya sa akin na walang ibig sabihin 'yun. Na inimagine ko lang na nakita ko ang pagkamatay ng kapitbahay namin bago pa ito nangyari. Pero nasundan ulit yun ng iba pang panaginip na nagkatotoo. Panay ang lapit ko sa tatay ko pero panay din ang pagalit niya sa 'kin. "Ang sabi ko tigilan mo na ang mga panaginip na yan! Gusto mo bang may makarinig sa 'yo at isipin nilang nasisiraan ka na ng ulo? Sa susunod na masambit mo pa ang tungkol dyan bugbog ang abot mo sa 'kin!"
Pero ngayon alam ko na ang totoo. Nagsinungaling siya sa 'kin. Nagsisinungaling pa rin siya sa 'kin. Ganito pala ang pakiramdam kapag alam mong ang taong dapat kakampi mo ay nagsisikreto sa 'yo.

KABOG SA DIBDIB
Natatakot. Nanginginig. Hindi makatulog. Nagbalik na ang kabog sa dibdib. Nagsalita na naman ako ng tapos. Kaya siguro sinuklian ako ng mas malinaw na pangitain sa panaginip.
May buhay na maaaring mawala. At eto ako. Tumatakbo. Parang Duwag. Hindi alam kung nakuha ni Diane ang aking babala. Pero sana nabasa niya. At sana may panahon pa siya para iligtas si Matthew.
Bakit ako ang kailangang makakita ng lahat ng ito?! Bakit ako pa?! Mamaya sa pagtulog. Mamaya sa pagpikit ng aking mga mata. Hahanapin ko si Matthew. Hahalughugin ang bawat sulok ng panaginip. Kailangang makita ko siya. At kung makita ko siya baka siguro sa totoong buhay, nakaligtas siya. Pero pa'no kung hindi? Pa'no kung wala na talaga siya? Patawad, Matthew. Nahuli ako dahil naduwag ako. Sana naging mas maagap ako. Sana naging mas matapang ako. At sana hindi naging huli ang lahat para sa'yo. Patawad. Natatakot. Nanginginig. Hindi makatulog. At nagbalik na ang kabog at takot sa dibdib. Takot na wala pang balak umalis.

Biyernes
PANGAMBA
Ilang araw na ang nakalipas. Ang kaba sa dibdib ay unti-unti ng humuhupa. Wala na ang mga panaginip. Wala na ang mga imahe ng kapahamakan. Hindi na natatakot sa pagpikit ng mata at ang mga bangungot ay unti-unti ng nagiging isang malayong alaala. Mas maganda na siguro ang ganito- walang problema, walang kalituhan at walang pangamba na kahit anong minuto o oras, isang bangungot na naman ang makikita.
Huwebes
WOLVERINE
Usually may sense of excitement ka sa unang gabi mo sa isang bagong bahay. Excited ka sa kung anong poster ang ididikit mo sa pader ng iyong kuwarto (sana si Wolverine) o kung anong bedsheet ang gagamitin mo sa kama sa unang gabi mo? Pero eto ako, nasa harap ng computer at pilit na binubuo ang pag-iisip na mas buhol-buhol pa kesa sa traffic ng Guadalupe. Kung bibigyan ako ng choice? Baka mas gustuhin ko pang ma-traffic sa Guadalupe dahil at least doon, alam ko luluwag at aandar din ang mga sasakyan. Pero dito sa utak ko, hindi ko alam kung kailan ka-klaro ang lahat. Siguro, nagiguilty lang ako dahil hindi ako nakapagpaalam sa mga kaibigan ko sa Verona. Sa lagay ko ngayon, mukhang hindi na ako makakabalik sa trabaho. Siguro mabuti na rin na bigla akong nawala para hindi na ako masundan ng mga katanungang walang kasagutan.
Pero magsisinungaling ako kung sasabihin ko sa sarili ko na ayos na ang lahat. Alam ko kasing may taong masasaktan o mamamatay - si Matthew. Pilit ko na lang kinukumbinsi ang sarili ko na si Diane at Matthew ay hindi totoo. Na yung babaeng nagpakita sa akin na nagsasabing siya at si Diane ay iisa, e delusyon, depresyon, o baka epekto na ng amoy ng kape na madalas kong nasisinghot sa Verona, caffeine poisoning malamang. Pero hindi e. Kasi makakaya ko sigurong magsinungaling sa sarili ko pero hindi sa blog na ito. Kaya dito, kahit dito man lang ay magpapakatotoo ako at sasabihin ko ang nalalaman ko. Alam ko na may tinatago sa akin si Tatay, tungkol sa pagkatao ko. Alam ko ring totoo si Lia at totoo din si Mateo at totoo ang piraso ng papel na iniwan niya, papel na mayroong address at cellphone number niya. At alam ko na isang tawag lang sa kanya, malalapit na ako sa katotohanan. Pero 'yun ba talaga ang gusto ko? O baka isang bangungot ang naghihintay sa akin. Sana isang gawa gawang kuwento na lang ito. Dahil sino bang magugustuhan na maging totoo ang mga panaginip? Unless siguro, kung sa panaginip mo, ikaw si Wolverine.

PAGBABAGO
Pilit na pinagkakasya ang isang buong buhay sa isang maliit na backpack. Kailangan daw naming umalis ni Tatay agad-agad. Ilang minuto lang ang binigay niya sa akin para ayusin ang lahat. Tanong ako ng tanong kung bakit pero ayaw naman niya akong sagutin. Ganito na ba magiging kuwento ng buhay ko? Puro mga nakakalitong pangyayari? Mga bagay na parang walang katuturan. Parang si Diane na nakaharap ko kagabi. Nangyari ba talaga yun? Puwede ba talaga mangyari yun? Si Lia ay si Diane? At si Matthew ay si Mateo daw sa totoong buhay? At ano yung sinasabi niyang gabay daw ako? Ano yun?! At ano yung nangyari sa 'kin nung kaharap ko si Diane? Biglang nanigas ang buong katawan ko at parang may kuryenteng sumirit sa mga buto ko sa likuran. Tapos nagdilim ang paligid at nakakita ako ng image ng isang pulang lobong lumulutang sa ere at isang playground na puno ng mga batang nagsasaya. Pero sa gitna ng kasiyahan nila, naramdaman ko ang nakaambang panganib sa buhay ni Matthew o ni Mateo. Isang taong may pulang mata ang aatake sa kanya, sasaktan siya at mukhang papatayin siya. Pero ba't ba pula yung mata nung taong yun? May sore eyes ba siya? Sino siya?! Hindi. Ayokong maniwala. Hindi ako puwedeng maniwala. Dahil hindi totoo ang lahat ng mga nakikita ko. Imposible ang sinasabi ni Lia. Tama ang tatay ko. Mula bata ako yun ang sinasabi niya sa 'kin - walang totoo sa mga napapanaginipan ko. Wala.
Linggo
DIANE & MATTHEW
Galit na galit ang babae sa lalaki. Muntik na kasi siya nitong masagasaan. Bumaba ang lalaki sa sasakyan para mag-sorry. Tanong ng lalaki, "okay ka lang?" Pero sandaling natigilan ang babae ng makita ang mga pasa sa mukha ng lalaki. Ang sagot niya, "ako okay lang, e ikaw ang mukhang 'di okay e" saka inis na dinagdag, "saka tumingin tingin ka naman sa dinadaanan mo e kanina pa ako dito sa harap mo hindi mo man lang ako nakita!" Naghiwalay sila ng landas pero ramdam ko na hindi pa iyon ang huli nilang pagkikita.
'Yan ang unang pagkakataon na nakita ko sila sa aking panaginip. Dalawang mukha na tinawag kong Matthew at Diane. Hindi ko sila kilala. Pero para silang mga buhay na karakter sa isang kuwentong nabubuo sa tuwing pinipikit ko ang aking mga mata. Ano sila? Sino sila? Totoo ba sila? Sa muli bang pagpikit ko, makikita ko na ang katapusan ng kanilang istorya? Magiging masaya ba sila? O baka hindi maging maganda ang ending nila. Huwag naman sana...

BABAE SA VERONA
Nakatanggap ako ng text mula sa kasamahan ko sa Verona.
"Hoy p're may naghahanap sa'yo na babaeng maganda."
Sandaling napaisip pero agad ding natawa.
Babaeng maganda? Sino ka? Imposible yata.
Malamang produkto ka ng imahinasyon ng mga katrabaho kong
laging naghahanap ng paraan para asarin ako.

BABALA SA HANGIN
Ba't ba pakiramdam ko hindi dapat ako pumasok ngayong
araw sa trabaho? May mangyayari kaya?
Mabubundol ba ako ng kotse, mahoholdap o matatapilok
pag-labas ng bahay?
Minsan ba nararamdaman mo rin yun -
yung amoy ng babala sa hangin?
Na parang may mas malaking kapalaran na naghihintay sa'yo?

MGA MUKHA
Minsan ayaw ko ng matulog, kung ang naghihintay rin lang ay isang masamang panaginip.
Bakit may mga mukha ang aking panaginip?
Kung totoo man ang mga mukha, nakakapangilabot ang buhay na meron sila.

Lunes
THE PARTY
Naghawak ang kanilang mga kamay at sa sandaling iyon ay tumigil ang mundo at nakakita sila ng mga kakaibang pangitain-
ang buwan, ang lunar eclipse, mga bulaklak na mahuhulog sa dugo.
Ang hindi nila alam ay ang bawat pagkikita, bawat paglalapat ng kanilang mga balat ay magdudulot ng pagbabago na hindi lamang sa kanilang dalawa kundi sa mundong ginagalawan nila.

SA RESTAURANT
Natigilan si Diane ng makita si Matthew.
Halos mapanganga sa itsura nito.
Makikita sya ni Matthew na lalapit sa kanya
at hihirit ng " Nakanganga ka, miss."
Hindi nila alam na sa paglalapit na iyon
ay lalabas na naman ang kakaibang lakas
ni Diane at ang kakaibang
karamdaman ni Matthew.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)