Miyerkules

Password Recovery

Gaano ba ka-helpful ang isang pangitain?
Minsan nagkapangitain ako na may isang lalaking mamamatay.
Hindi naman nangyari.
Kasi nailigtas siya (see Bright Lives Foundation).

Kaya siguro kami Gabay.
Guide lang talaga.
Parang traffic light sa P'nas, isa lamang suggestion.

Kaya minsan naitatanong ko, bakit binigyan pa ako ng kakayahang silipin ang bukas?
Kung kahit na sino naman ay kayang baguhin ang kanyang sariling kapalaran.
Hindi ba counterproductive 'yon?

Isang pakiramdam. 
Isang malakas na emosyon. 
Isang  malalim na uri ng kalungkutan. 

Gaano na ba katagal, dalawa, dalawa't kalahati o higit tatlong taon na?
Malaki na ang pinagbago ko mula noong huling digmaan.
Hindi lang ako nagkaroon ng kakayahang makontrol ang aking mga pangitain.
Nakadiskubre rin ako ng dagdag na kapangyarihan.
Nope, hindi ko pa ring kayang makita ang mga numerong lalabas sa grand lotto.
Dahil noong huling subok ko, balik-taya lang ang nahita ko.
Pero masasabi ko pa ring malaki na ang pinagkaiba ko sa Jethro na nagsimula ng blog na ito.

Though meron pa ring pangamba.
At takot.
At alinlangan.
At marami pa ring katanungan.

Isa na rito ay kung anong landas ang dapat kong puntahan.
Is it the road less traveled?
Or the long and winding road?

Salamat na lang at na-recover ko ang password ng blog kong 'to.
Siguro ilang taon mula ngayon, babasahin ko muli ang entry na ito.
At sasabihing kong ang araw na ito ang naging turning point ng buhay ko.
Turning point ng ano? HINDI ko alam.
Dahil kahit may pangitain.
Kahit ako'y isang full pledged Gabay.
'Di ko pa rin sigurado kung saan ako maghahapunan mamaya.

5 komento:

  1. WTF?! Bago 'to ah! Magbabalik na ba imortal??? Yohoooo!

    TumugonBurahin
  2. Hi, May susunod pa ba sa La Luna Sangre? Pls then sana andun din si Angel

    TumugonBurahin
  3. ibalik nyo si lia baka may susunod pa sa la luna sangre!!!!

    TumugonBurahin
  4. MAY SUSUNOD BA SA LALUNA SANGRE? KUNG MERON UPLOAD NYO NA, NAMI MISS PO NAMIN ANG TELESERYENG MGA ITO

    TumugonBurahin