Sabado

KABOG SA DIBDIB

Natatakot. Nanginginig. Hindi makatulog. Nagbalik na ang kabog sa dibdib. Nagsalita na naman ako ng tapos. Kaya siguro sinuklian ako ng mas malinaw na pangitain sa panaginip.
May buhay na maaaring mawala. At eto ako. Tumatakbo. Parang Duwag. Hindi alam kung nakuha ni Diane ang aking babala. Pero sana nabasa niya. At sana may panahon pa siya para iligtas si Matthew.

Bakit ako ang kailangang makakita ng lahat ng ito?! Bakit ako pa?! Mamaya sa pagtulog. Mamaya sa pagpikit ng aking mga mata. Hahanapin ko si Matthew. Hahalughugin ang bawat sulok ng panaginip. Kailangang makita ko siya. At kung makita ko siya baka siguro sa totoong buhay, nakaligtas siya. Pero pa'no kung hindi? Pa'no kung wala na talaga siya? Patawad, Matthew. Nahuli ako dahil naduwag ako. Sana naging mas maagap ako. Sana naging mas matapang ako. At sana hindi naging huli ang lahat para sa'yo. Patawad. Natatakot. Nanginginig. Hindi makatulog. At nagbalik na ang kabog at takot sa dibdib. Takot na wala pang balak umalis.

25 komento:

  1. Deep! Nakita ni Lia ang babala. ;D Galing galing.

    TumugonBurahin
  2. Kahit wala kang gagawin hindi mamatay yang si Matthew..Sya bida eh

    TumugonBurahin
  3. kaloi _26@yahoo.com.ph: bago na naman...

    TumugonBurahin
  4. another blog, kelan mo kaya marrealize na ikaw ay isang gabay... cant wait for that scene :)

    TumugonBurahin
  5. hindi siya mamamatay jethro! hahaha. wag kana maduwag dyan. face the truth na isa kang gabay! :D

    TumugonBurahin
  6. ganun talaga. pag destiny mo, yun na yun. tulad mo, me destiny din sina Diane/Lia at Matthew/Mateo. sila ang mga itinakda ng mga lahi nila. (naku, pag nag-lurk dito si Samantha Imperial, patay na! wag naman sana). ikaw, ang sa 'yo ay ang pagiging gabay. sana'y ma-realize mo agad ito bago mahuli ang lahat.

    and don't worry abt mateo. ililigtas siya ni Lia!

    TumugonBurahin
  7. kaya mo yan jethro!!!basta lhat ng makikita mo sa panaginip mo tungkol kay diane at matthew sabihin mo agad para maligtas ang buhay nilng dalawa!!

    TumugonBurahin
  8. Jethro may tumblr account ka din ba??? ahahaah... facebook fanpage??? lols....

    TumugonBurahin
  9. kung nasan ka man jethro, mag iingat ka palagi.

    TumugonBurahin
  10. Keepk Jethro...susubaybayan ko ang Imortal...

    TumugonBurahin
  11. Jethro, tanungin mo Tatay mo para malamam namin bakit ayaw ka nya maging Gabay.

    Di ba si Lia muna magiging Lobo this week at si Mateo naman the following week.

    Naniniwala ka rin ba Jathro na mga ginagawa mo nakikita namin sa TV hehe

    TumugonBurahin
  12. siya siguro si nash aguas sa LOBO, lumaki siya! ewan :)

    TumugonBurahin
  13. jeth, wag OA... 'ndi poh ito horror. adventure-love story poh ito, ehe jok! labyo labyo!!! nasubrahan ka lang siguro sa blog blog mo na yan (not good). bwas-bawasan mo choi para sa health mo tsaka para mabitin mga Imortalians here...

    ask lang pow kung sino man concern dyan, ehe: dead na ba yung character ni shaina tsaka yung sister ni noah??? ('kaw blogger-gabay jeth, alam mo???) techu tenchu!!!

    TumugonBurahin
  14. oo nga, pano naa-update ung post nya sa actual na episode eh kung matagal ng taping un???

    sa dashboard ko, may post sya na title "SA ORPHANAGE" (posted 1 month ago, napansin nyo ba un sa dash nyo?) at ang post ay "makikita ko si matthew na mamamatay sa orphanage..... sa bright lives foundation"...

    pero wala sa post ni jethro to. hmm??? error na sya, Page not found
    Sorry, the page you were looking for in the blog Mga Pangitain ni Jethro does not exist.

    nakakapagtaka lang....

    TumugonBurahin
  15. grabe, kaabang abang na ang next episodes...

    TumugonBurahin
  16. Don't worry jet, andito lang ako para yo

    TumugonBurahin
  17. this is not the original blog shown on tv. someone maintains this page but definitely, it's not the original one.

    TumugonBurahin
  18. natanggap na nya ang blog mo Jethro.. ililigtas na nya si mateo.. at hindi mo ba namamalayan na nababasa namin ang blog mo

    TumugonBurahin
  19. Lab it! Ang galing talaga! Kapag time na ni Matteo time na niya. Hindi tayo ang mag decide kung time na natin. Tsaka hindi naman puede si Matteo mamamatay dahil siya ang leading man. At wala pa naganap ang digmaan!

    TumugonBurahin
  20. @the prima - siguro nga... Ive noticed sa isang episode dati na biglang nagising si Jethro (dino imperial) para mablog, BLACK ang background eh.... pero ewan ko din.. hehe.

    TumugonBurahin
  21. cant w8 to see tonights episode....
    ..super love imortal!!..d best..

    TumugonBurahin
  22. according to wikipedia si jethro ay si tikboy.. http://en.wikipedia.org/wiki/Imortal

    TumugonBurahin
  23. ang tagal ng new post.... ahaha

    gusto ko din magpalit-balat gaya ng isang lobo! wahaha. super adik much.

    TumugonBurahin