Miyerkules

PAGBABAGO

Pilit na pinagkakasya ang isang buong buhay sa isang maliit na backpack. Kailangan daw naming umalis ni Tatay agad-agad. Ilang minuto lang ang binigay niya sa akin para ayusin ang lahat. Tanong ako ng tanong kung bakit pero ayaw naman niya akong sagutin. Ganito na ba magiging kuwento ng buhay ko? Puro mga nakakalitong pangyayari? Mga bagay na parang walang katuturan. Parang si Diane na nakaharap ko kagabi. Nangyari ba talaga yun? Puwede ba talaga mangyari yun? Si Lia ay si Diane? At si Matthew ay si Mateo daw sa totoong buhay? At ano yung sinasabi niyang gabay daw ako? Ano yun?! At ano yung nangyari sa 'kin nung kaharap ko si Diane? Biglang nanigas ang buong katawan ko at parang may kuryenteng sumirit sa mga buto ko sa likuran. Tapos nagdilim ang paligid at nakakita ako ng image ng isang pulang lobong lumulutang sa ere at isang playground na puno ng mga batang nagsasaya. Pero sa gitna ng kasiyahan nila, naramdaman ko ang nakaambang panganib sa buhay ni Matthew o ni Mateo. Isang taong may pulang mata ang aatake sa kanya, sasaktan siya at mukhang papatayin siya. Pero ba't ba pula yung mata nung taong yun? May sore eyes ba siya? Sino siya?! Hindi. Ayokong maniwala. Hindi ako puwedeng maniwala. Dahil hindi totoo ang lahat ng mga nakikita ko. Imposible ang sinasabi ni Lia. Tama ang tatay ko. Mula bata ako yun ang sinasabi niya sa 'kin - walang totoo sa mga napapanaginipan ko. Wala.  

39 (na) komento:

  1. Nasa panganib ang buhay ni Matteo hahahaha... Lia iligtas mo...

    TumugonBurahin
  2. ayun may bago na ring post. ang tagal kong inantay ito.

    TumugonBurahin
  3. jethro, help Lia. Totoo, ikaw ang gabay.

    haha:)) feeling ko nasa mundo ako ng imortal.

    TumugonBurahin
  4. Mas mukha ka ng tao magblog ngayon. Dati, pa-deep e. Hehe. Mas misteryoso yung ganun. ;P

    Tingin ko dating gabay ang tatay mo. Kilala nya yung nanay ni Lia e... (Baka gabay sya sa Lobo? Hindi ko kasi napanood yon.)

    Anyway, ang galing talaga ng imortal. Kung anu-anong theories ang pinapaisip sa mge viewers. :)

    TumugonBurahin
  5. Yon... Baka nga sya. :D Galing natin! Apir! :))

    TumugonBurahin
  6. baka nga tatay nya c tikboy! go jethro! :D

    TumugonBurahin
  7. baka siya nga si tikboy, i saw the pic of trixie w/ lyka, hawak-hawak ng tatay ni jethro,, tsk tsk, mukhang gabay ka nga

    TumugonBurahin
  8. lol on "sore eyes" :D

    baka nakasinghot ng katol, o nakakain ng cellophane kaya pula ang mata

    TumugonBurahin
  9. hoi jethro! tulungan mo c Lia, d mo lang kasi alam kung ano ang totoo. D ka pa kasi pinapanganak sa panahon na yon. Ba't kasi ang labo, ba't ang bilis ng oras sa mundo nyo. PArang natulog lng ako't pg.gising ko'y ilang taon ng nakalipas sa mundo nyo. hahai. d ko talaga maintindihan. ba't ba ganyan. magtanong tanong ka kaya, parang may mali eh. Tanungin mo yung tatay mong c tikboy, pa tikboy tikboy nuon ngayun paranang c katchupoi. Naduduwag na yata yan, tumatanda na kasi. bilis. tanungin mo!. tanong. tanong. tanong. hahahaha

    KABALIWAN MODE. adik na!

    TumugonBurahin
  10. astig namn nito imortal adikkkkkkkkkkk

    TumugonBurahin
  11. im so glad i found this blog!!! it feels like im part of imortal! hehehe

    TumugonBurahin
  12. jethro, kung totoo nga ang sinasabi ni lia na xa si diane, at si matthew ay mateo, makakatulong ka sa kanila para maligtas si matthew/mateo sa papatay sa kanya.. wag kang sumama sa tatay mo... maaatim mo ba na may mamamatay, gayung alam mo na mangyayari yun, at may kakayahan ka para pigilan yun? pag-isipan mong mabuti...

    hahaha.. sorry, super adik talaga ko sa imortal.. so happy na may bagong post.. everyday ko tung inaabangan.... GO IMORTAL!!

    TumugonBurahin
  13. Astig talaga neto... sana magpost na ng madami parang spoilers tapos hanggang sa ending na hahaha jk.. ganda ng IMORTAL kakakilig eeeee!!!

    TumugonBurahin
  14. jethro jethro. psychic ka..parang si tikboy yung tatay mo. At Tita nya si Trixie, ang tapat na gabay ni Lyka, yung mommy ni Lia..kaya pls. help lia and mateo. Tulad nila, me destiny ka na dapat tuparin. At kahit san ka magpunta't lumayo, di mo matatakasan yun. Mangyayari ang mga nakatakda.

    TumugonBurahin
  15. jethro mukang may tinatakasan ang tatay mo ah. bakit ka nya inilalayo kay Lia eh ang pagiging "gabay" nga ang tungkulin ng mga katudlad nyo.

    TumugonBurahin
  16. another post.. ang tagal bago nasundan ah..
    si jethro yata si tikboy eh..

    TumugonBurahin
  17. hahahah naging hobby kona ang paghihintay at pagbabasa dito sa website na to..

    TumugonBurahin
  18. Tatay ni Jethro ay si NASH AGUA nung BATA na pamangkin nmn ni TRIXIE(Dmples Romana, na isang GABAY...

    TumugonBurahin
  19. ..taraaay,!!!!!!
    ..love love IMORTAL,!!!!!!

    TumugonBurahin
  20. wow! na amaze akong totoo ang blog ni jethro!
    ganda ng imortal!!

    TumugonBurahin
  21. Ay, bakit d na to pangitain ni Jethro....dapat mauna xa sa imortal!

    TumugonBurahin
  22. knina pa aq ng'iisip cno byang c tikboy..tama! c nash aguas pala yun don sa lobo..posible ngang tatay nia c tikboy

    TumugonBurahin
  23. Imortal Rocks!!! Imagine Imortal marathon ako kagabi sa pinoychannel mula Oct. 19 episode hanggang Oct. 28.. 2 am na ako natulog!!! Hindi ko talaga sya mabitawan na hindi mapanood ang susunod na karugtong kasi nakakabitin talaga bawat episode.. Nireserved ko ang Oct. 29 episode para may panoorin ako mamayang gabi... Congrats Angel and Loydie...

    TumugonBurahin
  24. imortal is the first interactive tv series in the philippines. kewl. ;)

    and oh, feel free to visit my page. http://primadiaries.blogspot.com/

    bago pa lang yan. i'll post new entries soon. :)

    TumugonBurahin
  25. tatay ni jethro si tikboy? o si jethro si tikboy? kasi kung tatay nya si tikboy, naisip ko lang, ang aga namang nag-asawa ni tikboy. :P

    TumugonBurahin
  26. Mga Pangitain ni Jethro may Facebook Fan Page na rin...Astig...

    http://www.facebook.com/pages/Mga-Pangitain-ni-Jethro/170518936308402?v=wall

    TumugonBurahin
  27. Jethro, kaw ba iyong batang si Nash sa lobo noon? O ung tatay mo si Nash? hehehe...gulo...anyway...may lahi kaung gabay tulad ng tiya mu na si Trixie...

    Post pa ng mga bagong pangitain please....

    TumugonBurahin
  28. nice.. mxdo nmn nakakadala ang pangitain mo jethro.. feeling ko tuloy part ako ng iMOrtAL.. prang hindi xa teleserye,.. prang reality dhil s blog mo.. love it,...

    TumugonBurahin
  29. hahahah......FUNNY!!!

    TumugonBurahin
  30. sabi ko na nga ba ikaw ung apo or anak nang gabay...
    isa ka ring taong lobo?!...
    sige lng keep on post para naman mas gumanda ang istorya ng imortal...

    TumugonBurahin
  31. ikaw talaga ang gabay ni lia jethro,kaya kailangan mo siyang tulungan.....

    TumugonBurahin
  32. I said ...
    jetrho, gabayan mo rin ako.
    -hkca

    TumugonBurahin
  33. nabubungal din ba ang mga t.lobo?
    hkca.

    TumugonBurahin
  34. ginawa lang ba ang blog na to para sa imortal? o nauna to

    TumugonBurahin