Sabi nila, ito daw ang pinakamalaking buwan na makikita natin sa tanan ng ating buhay. So this is my crude attempt to capture the Supermoon para kahit naman papaano ay maka-contribute ako sa pag-romanticize ng internet sa pinakamalapit na kapitbahay natin in the whole observable universe. Hindi naman talaga lumalaki o lumiliit ang buwan. May quirk lang sa disenyo ng universe na minsan sa kanyang pag-orbit ay napapalapit siya sa atin. Or maybe this is the moon's crude attempt to plant us a kiss. Pero para sa akin, this is her way of showing us her true power- the power to make us give up a moment ng buhay natin, then look up to her, and just be enthralled by her magnificence. Tandang-tanda ko pa ang unang gabi na dinalaw ako ng mga pangitain. Malaki, maliwanag, at bilog na bilog din ang buwan noon. Tila ba nagbibigay liwanag sa aking isipan. Para mas maige kong makita ang hinaharap, mas malinaw masilip ang mga bukas na dadating pa. Ilang taon na rin ang lumipas. Wala na ang mga pangitain. Kahit panaginip ay hirap ko ng matandaan sa paggising. Minsan may mga imahe na hindi ko matanto kung ano o para saan. Baka naman ngayong napakalaki at napakaliwanag muli ng buwan, mapagtatagni-tagni ko ng muli ang mga imaheng 'yon at muling magbubukas ang isip sa panahong padating pa lamang. O baka naman wala lang and those broken images I see are nothing but faded memories na dapat ng ibaon at kalimutan.
Huwebes
Ang buwan na pilit humahalik sa lupa...

Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento