Huwebes

KAKAMPI

Ito ang alam ko sa tatay ko. Siya si Enrico Kabigting. Mag-isa sa buhay simula eighteen years old kasi namatay na daw ang lahat ng pamilya niya noon. Bago maging mekaniko, ilang taon siyang nagmaneho at nagpasada ng jeepney. Doon niya nakilala si Nanay na naging suking pasahero niya. Ang mga palitan nila ng ngiti sa pag-abot ng bayad at sukli ay nauwi sa ligawan pagkatapos sa kasalan. Isang taon pagtapos nilang maging mag-asawa, ipinanganak ako. Yun lang ang alam ko sa tatay ko at ngayon biglang hindi na ako sigurado kung lahat ng yun ay totoo. Sa isang bagay lang ako sigurado - ang reaksyon niya sa mga "panaginip" ko.

Una akong nagkaroon ng panaginip noong six years old ako. Nakita ko ang matanda naming kapitbahay na umakyat ng bubong para ayusin ang antenna ng TV nila na natabig ng dumaang bagyo. Nadulas siya at nahulog. Nabagok ang ulo niya kaya namatay. Naalala ko pa ang takot ko noon pagkagising ko. Tumakbo ako sa labas ng bahay namin para lang tingnan ang kapitbahay namin, patunayan sa sarili ko na hindi totoo ang panaginip ko. Pero paglabas ko, nakita ko siya sa bubungan ng bahay nila, ginagawa ang bagay na napanaginipan ko. Noong nahulog at namatay siya sa harapan ko, sumigaw lang ako ng sumigaw. Ilang oras akong di nakapagsalita.

Noong sinabi ko kay Tatay ang tungkol sa panaginip ko, namutla siya. Sinabi niya sa akin na walang ibig sabihin 'yun. Na inimagine ko lang na nakita ko ang pagkamatay ng kapitbahay namin bago pa ito nangyari. Pero nasundan ulit yun ng iba pang panaginip na nagkatotoo. Panay ang lapit ko sa tatay ko pero panay din ang pagalit niya sa 'kin. "Ang sabi ko tigilan mo na ang mga panaginip na yan! Gusto mo bang may makarinig sa 'yo at isipin nilang nasisiraan ka na ng ulo? Sa susunod na masambit mo pa ang tungkol dyan bugbog ang abot mo sa 'kin!"

Pero ngayon alam ko na ang totoo. Nagsinungaling siya sa 'kin. Nagsisinungaling pa rin siya sa 'kin. Ganito pala ang pakiramdam kapag alam mong ang taong dapat kakampi mo ay nagsisikreto sa 'yo.





24 (na) komento:

  1. woohoo! kakapost lang! =)

    TumugonBurahin
  2. wow.. may bago na nman... mainit init pa. hahah bagonpost lang eh... heheh>>> knives29

    TumugonBurahin
  3. wow backstory ni jethro at ni tatay. mukhang unti unti na nating makikilala ang mag-ama ah. ang laki pa ng mystery sa dalawang 'to e. more please!

    TumugonBurahin
  4. nice..nice.. buti at medyo nakilala natin silang magama, kasi minsan lang naman sila lumabas sa imortal. more posts to come.

    TumugonBurahin
  5. ano nga ba ang tinatago sa'yo ni tikboy?

    TumugonBurahin
  6. aww, kawawa ka naman jethro, marami pa kasing nililihim ang tatay mo sayo, don't worry unti-unti ring lilinaw ang lahat sa tunay mong pagkatao, maghintay ka lang...

    naks,, adik sa imortal!!! hahaha

    TumugonBurahin
  7. tanungin mo tatay mo! pasaway din ayaw pa magshare! hahaha! :D

    TumugonBurahin
  8. Grabe astig ka Jethro! si Leandro Valdemor si Tikboy di ba? Sinong nanay mo?

    TumugonBurahin
  9. ganda tlga !!!!!
    astig!!!!

    TumugonBurahin
  10. Nice one, Jethro. Pinapakita ng blog mo ang different side of the story. :)

    TumugonBurahin
  11. huwaaaw bago :) go imortal!!

    TumugonBurahin
  12. ano nangyari sa nanay mo Jethro?
    naki tsismis hehe

    TumugonBurahin
  13. sige lang jethro awayin mo tatay mo para magsabi ng totoo... hehe.. parang totoo...

    TumugonBurahin
  14. napanaginapan ko... si jethro daw ay magiging si captain barbel at aawayin nya si darna na nagpapanggap na lobo ngunit ang lobo ay may majika kaya dedo siya!!! ehe jok...

    TumugonBurahin
  15. waaaw!!isa kang watcher...nakikita mo ang mga mangyayari sa kasalukuyan...

    TumugonBurahin
  16. wow..kailan kya 2 ipapalabas??..

    .hehe..ganda ng imortal ngayon..
    nkakainis lng talaga si clarisse.
    .kawawa nmn si Lucas..

    TumugonBurahin
  17. what's happening between you and your dad makes me feel envious towards you. i wish i had known my father too.

    TumugonBurahin
  18. don't worry bro. sobrang love ka lang ng tatay mo kaya ganyan yan. basta, wag kang matakot sa galing mo. blessing yan. keep cool. sana'y maging ganap ka ng gabay ni Lia. Yan ang destiny mo.

    TumugonBurahin
  19. Enrico Kabigting???? Hindi maaari... Pero ewan... Sana nga mali ako...

    TumugonBurahin
  20. bkt? kilala mu ba c enrico kabigting?

    TumugonBurahin
  21. jethro i think its just ok cause dream is just an art of curiosity...

    TumugonBurahin