Sabado

TASA NG KAPE

Kung totoo man ang kakayahan kong 'to, kung may pag-asa man akong makontrol 'to, gagamitin ko siya para balikan ang isang alaala ng nanay ko. Namatay siya noong nine years old ako. Kakagawa lang niya ng kape para sa sarili niya nang sumuko ang puso niya sa kanya. Namatay siya ng walang kasama, mag-isa, at kasalanan ko.

Nagkaroon ako ng panaginip gabi bago ng araw na yun. Isang tasa ng kape ang nahulog at nabasag sa sahig. Akala ko walang ibig sabihin yun. Natutunan ko na rin kasi no'ng hindi pansinin ang mga napapanaginipan ko  dahil yun ang gusto ng tatay ko. Pero kung hindi ko ginawa yun, kung hindi ako nakinig sa tatay ko, baka nakita ko na may kinalaman ang tasa ng kape sa pagkamatay ni Nanay. Baka hindi ako umalis noon ng bahay. Baka naligtas ko siya. Baka hindi niya kinailangang mamatay ng mag-isa.

Ilang araw, linggo, buwan, taon kong sinisi ang sarili ko. At ngayong alam ko na'ng noon pa alam ni tatay na may ibig sabihin ang lahat ng panaginip ko, pati siya sinisisi ko.

19 (na) komento:

  1. yey new post! ang sad naman pala ng nangyari sa nanay mo. i wouldn't wish your gift on me or anyone else, jethro :(

    TumugonBurahin
  2. haha..very interesting..two thumbs up for IMORTAL.

    TumugonBurahin
  3. kilala ko yung anonymous na huling nagcomment. :DD

    imortal is <3.

    TumugonBurahin
  4. ako kilala mo? pula ang mata hahaha!

    TumugonBurahin
  5. puro anonymous ah? ahaha...
    ang drama nmn ng nakaraan moh. uso na ba starbucks nun? ahaha joke.

    sana ipalabas to sa upcoming episodes ng imortal. nakakaasar si clarise, isa syang malaking EPAL! ahahaha.... ^^,

    TumugonBurahin
  6. malamang nasobrahan sa caffein ang nanay mo jethro, adik siguro sa kape.. hehehe...
    pero nice may sariling story si jethro...

    TumugonBurahin
  7. ^ hahaha! adik sa kape? FTW! hehe. pero baka may nangyaring something weird kaya nmatay ang nanay mo jethro...baka chinorva siya ng kung sino! hmm...

    TumugonBurahin
  8. ok mga comment at mga tanong niyo ah. kung maka react kayo parang totoong tao si jethro. lol.

    sana ipakita ulit si jethro sa imortal, eyecandy din siya eh. hehe..

    TumugonBurahin
  9. Jethro I love You!

    TumugonBurahin
  10. nice.. kelan nmn kya episode na to??? i cant wait...

    TumugonBurahin
  11. Jethro, kelangan ko ang tulong mo.... ikaw ung sinasabi ni Lia na taga-gabay na nakakakita ng mga mangyayari? ano ba ang sakit ko?...... MATEO RODRIGUEZ

    TumugonBurahin
  12. -cant help but browsing this page... i love it' sobrang kakatuwa.... it feel so realistic like imortal world is real

    TumugonBurahin
  13. ,,,sana po wag nyo namang idelete mga comments ni lia...

    TumugonBurahin
  14. c MATEO nga kya tlga nag COMMent nian??? ehehe... ummm.. when kya ang episode n yan???

    TumugonBurahin
  15. kalungkot naman pala ng nangyari sa nanay mo bro. wag kang mag-alala..may dahilan kung bakit may angking galing ka. pakiramdam ko, malapit mo ng malaman yun.

    TumugonBurahin
  16. salamat sa sagot about sa nanay mo jethro

    meron palang larawan sa bahay nyo na kasama tatay mo noong bata pa sya at isang babae ng carbon copy ni lia

    pakitanong tatay mo tungkol sa mga taong yun sa larawan ^_^

    TumugonBurahin
  17. kakasad nmn ang nangyari sa nanay mo... :(

    TumugonBurahin
  18. Feeling ko, si Jethro ay apo ng dating gabay. If you watched LOBO dati, si Dimples (Trixie) ang gabay then may anak sya, that was portrayed by Nash Aguas yata.. then bigla lg silang nawala. Feeling ko si NASH yun yung tatay ni Jethro ngayon si Leandro. hehe.

    TumugonBurahin